top of page

The Future of Public Service

Writer: Adrian Salceda
Adrian Salceda
Oct 13
1 min read

Bilang bagong mambabatas at mukha sa loob ng kongreso, naniniwala si 3rd District Albay Rep. Adrian Salceda na ang pagpasok sa kongreso ay isang pagkilala sa isang institusyon na nahasa na ng panahon, subalit, responsibilidad din ng mga bago at batang mambabatas na alamin kung ano ang mas angkop sa publiko at sa bagong henerasyon.


“If the intention is nation-building, creating jobs, improving education and healthcare, making food more affordable, and giving ordinary Filipinos a better quality of life, then I am willing to learn from both old and new ways of doing things.”


Patungkol naman sa usaping political dynasties, naniniwala si Salceda na ito ay makatutulong sa pagpapatuloy ng mga proyekto at programa para sa komunidad na kinakailangan ng ilang taon upang matapos. Subalit, giit niya, dapat pa rin i-evaluate ang serbisyong inihandog ng isang opisyal.


“A surname may give you a political history, but it does not automatically give you a record of your own. You have to build that yourself.”



Sa tulong din ng teknolohiya at modernisasyon, mas napapalawak at napapalakas nito ang koneksyon mula sa gobyerno at sa mamamayan. Isa rin itong hakbang upang mapaigting ang tranparency sa publiko.


Dagdag ni Salceda, ang balanse sa pagitan ng karanasan at pagbabago ang huhubog sa mas maayos na kinabukasan ng gobyerno.


Matagal nang nagsisilbi sa publiko si Salceda. Nagsimula bilang isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman, naging Kapitan ng Barangay Centro Oriental, at nasilbing Mayor ng Polangui, Albay. At sa edad na 33 naging isang Kongresista ng ikatlong distrito ng Albay.


Read more:

[1] BusinessMirror - https://tinyurl.com/met8krtx

 
 
 

Comments


bottom of page