PSHS-BRC Campus in Polangui, Albay

Updated: Nov 11
PHILIPPINE SCIENCE HIGHSCHOOL, ILALAPIT NA SA MGA ALBAYANO

Cong. Adrian Salceda during the follow-up meeting with PSHS-BRC Board of Trustees in preparation for the 2nd Bicol Regional Campus
Opisyal nang napili ang Barangay Matacon, Polangui, Albay bilang maging ikalawang campus site ng Philippine Science Highschool (PSHS) sa Bicol Region. Kinumpirma ito ni PSHS System Executive Director Ronnalee Orteza sa isang sulat para kay 3rd District Albay Rep. Adrian Salceda nito lamang Biyernes, Nobyembre 6.
Isang taon ang nakalipas mula nang magsagawa ng Signing of Deed of Donation sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Polangui at Department of Science and Technology (DOST) Philippine Science Highschool (PSHS) noong Nobyembre 8, 2025. Ito ay para sa pagdagdag ng campus site ng PiSay, alinsunod sa Republic Act No. 12310 o ang Expanded Philippine Science High School (PSHS) System Act.
Mayo 25 naman ngayong taon nang magsagawa ng Presentation ng Proposed establishment sa PSHS Board of Trustees sina Rep. Adrian Salceda at ang mga opisyal ng LGU Polangui. Nagsagawa naman ng site validation sa Barangay Itaran, Polangui noong Setyembre 7 bilang isa sa mga lugar na posibleng pagtayuan ng magiging PSHS Albay Campus.
Setyembre 29 naman nang magsagawa na ng technical meeting at site visit sa Barangay Matacon, Polangui na isa rin sa posibleng campus site. At matapos ang halos isang taon, Nobyembre 6, 2026 nang opisyal nang mapili ang Barangay Matacon, Polangui, Albay bilang kauna-unahang PSHS Albay Campus.
Dahil dito, inaasahan na mas lalawak ang access ng mga Albayanong estudyante sa quality STEM education na magpapalakas sa larangan ng research, agham, at teknolohiya sa rehiyon.
Kasabay nito, inaasahan ng PiSay ang pagtulong ng mga local official sa nalalapit na National Competitive Examination (NCE) para sa mga incoming Junior Highschool students, na siyang sinimulan ng mga staff mula sa 3rd District of Albay Office noong Oktubre 12. Kung saan mahigit 250 elementary school mula sa ikatlong distrito ng Albay ang napuntahan, naipakilala ang PiSay at na-assist para sa application ng NCE.
Ang PSHS Albay Campus ay kabilang sa proposed 2027 National Expenditure Program na may initial allocation na P100 million at inaasahang tatanggap ng mga estudyante para sa 2028-2029 school year.
Read:
[1] Inquirer - https://tinyurl.com/mwnnsasx



Comments