PiSay now ready for more Bicolanos

POLANGUI, Albay—Comprehensive Site Inspection for new PSHS Campus (2026)
Sa patuloy na pagsulong ng maayos at dekalidad na edukasyon para sa mga Albayano, iminumungkahi natin ang bagong Philippine Science Highschool (PiSay) campus sa Polangui, Albay. Ito aymagbubukas sa mas maraming mag-aaral at kabataan ng oportunidad na hubugin ang kanilang sarili sa isang specialized STEM curriculum upang ihanda sila at bigyang prayoridad ang pagkuha ng anumang STEM career pagtungtong ng kolehiyo.
Ayon sa United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), kinakailangan ng isang bansa ng hindi bababa sa 380 research scientists at engineers (RSEs) sa bawat isang milyong populasyon upang ito ay maging handa sa pag-usbong ng industriyalisasyon. Ibig sabihin, hindi bababa sa 44,460 RSEs ang kailangang i-produce ng Pilipinas o hindi naman bababa sa 2,280 RSEs sa Bicol Region.
At sa ilalim ng Republic Act No. 12310 o ang Expanded Philippine Science High School (PSHS) System Act, magiging katuwang ang opisina ng 3rd District of Albay sa posibleng pagpapatayo ng bagong PiSay campus sa probinsiya upang mas mailapit ang mga pasilidad, curriculum, at pagkakataon sa mga mga-aaral ng ikatlong distrito at ng buong probinsiya na maging globally competitive Filipinos at maging mga lider ng pagbabago.
Ang naturang pagpapatayo ng bagong PiSay campus sa Albay ay kabilang na sa 2027 National Expenditure Program na mayroong paunang alokasyon na 100 million pesos. Inaasahan na sa first phase ng construction ay magkakaroon na ng site development, mga kalsada, academic at administrative buildings, at utility facilities.

GOA, Camarines Sur—3D Albay Staff visits PSHS-BRC ampus
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ni Salceda sa Department of Science and Technology (DOST) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa posibleng dagdag pondo para sa itatayong paaralan. Dahil ang edukasyon ay isang hakbang sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng isang mag-aaral at ng isang bansa.
Comments